1. Kapag Nakita si Crush
Mahulog sa Isang Tingin
ni Jillian Uy-Ching
Kapag may gusto tayong tao, hindi tayo binibigyan ng mga babala. Nagaganap ito ng biglaan, kagaya ng pagbuhos ng malamig na tubig, kung kailan nating hindi inaasahan at walang tibay ang ating puso na maaaring masaktan anumang panahon.
“Ang pag-ibig ay ginagawa tayong bulag,” sabi ng lahat ng tao. Gayunpaman, dahil sa pagiging walang muwang natin, isinasantabi natin ang mga itong babala at pinapayagan manatili ang itong mga karamdaman sa ating puso—iniisip na hindi ito seryoso.
Binibigyan-katwiran natin na harmless crush lamang ito na malalampasan natin pagkatapos ng kaunting panahon. Dahil pagkatapos ng lahat, ang tanging dahilan kung bakit natin gusto ang tao ay ang pagkislap ng kanyang mga mata laban sa sikat ng araw o kung paano pinapasaya niya ang ating araw dahil sa liwanag ng kanyang ngiti. Siya ang taong hinahangaan natin mula sa malayo at hindi natin iibigin o idedebelop ng tunay na damdamin.
Sa tuwing nakikita natin siya, nagiging masaya at maliwanag ang ating mga araw, kahit ang ating mga masasama at nakakalungkot na araw. Tuwing nagkakatinginan tayo ng ating crushsa mga pasilyo, nakakawala ang mga paruparo sa loob ng ating tiyan. Nararamdaman natin ang dugo na nagmamdaling sumusugod sa ating pisngi na pinipinta ito ng kulay kagaya ng lumulubog na araw. Kalatuwa ang tibok ng ating puso dahil sa kaligayahan na nasa loob ng ating ugat at natatakot tayo na baka ang ating puso ay biglang sasabog nalang anumang minuto. Kahit sa mga pinakakainip na araw, kapag nakikita natin ang ating crush, nakukulay ang ating mga puso ng sumambulat ng kulay dilaw kagaya ang simula ng isang maganda na araw at ang sumambulat ng kulay kahel kagaya ng kasiglahan ng ating tahanan.

Nasisiyahan na tayo sa paghanga sa ating crush mula sa malayo pero noong dumating ang opportunidad na pwede natin siyang kausapin, kinuha natin ang pagkakataon kaagad. Sa likod ng ating isip, itinatakda natin ang ating sarili para sa gulo at trahedya pero pinipigilan natin ang itong mga kaisipan at iniisip na walang masama sa pagiging magkaibigan—ito ay isang harmless crushlamang. Nakalipas ang ilang buwan at naging matalik na kaibigan tayo at ang ating crush. May pagsasamahan na nabuo at wala ng pagbabalik sa simula. Ang mas nakakatakot ay ang pagkatanto na buong puso nahulog na tayo para sa ating crushna naging isang matalik na kaibigan natin. Minsan nadadala tayo sa mapaghangad na pag-iisip na baka nahuhulog rin sila para sa atin. Dinadala natin ang pag-asa sa loob ng ating marupok na puso at walang pagtitimbang sa mga kahihinatnan ng ating mga aksyon.
“Lahat ay magiging maayos, maaring hindi na ako mahuhulog sa kanya dahil ayaw kong ilagay sa panganib ang aming pagkakaibigan,” binibigyan natin ng tiyakan ang ating sarili. Gayon pa man, sa ilalim ng ating puso, nagsisinungaling lang tayo sa ating sarili. Dahil dito, ginagawa ang lahat ng makakaya natin upang pigilan ang paglabas ng ating nararamdaman; ang pagiging isang mabuting kaibigan sa kanya ang nagiging pokus nalang natin.
Tapos, isang araw, nakita natin siya kasama ang isang tao at hawak nila ang kamay ng isa’t isa.

Sa simula, hindi narerehistro sa ating utak ang pangyayari. Pagkatapos, lahat ng tinatago nating karamdaman ay sumabog at bumabagsak sa atin parang mga alon ng sunami—walang lubay at walang pag-iingat. Nararamdaman natin ang mabagal na pagbyak ng ating puso, ang nakakalungkot na sakit dahil sa pusong wasak na sumisira rin sa ating kaluluwa. Hinahawakan natin ang ating puso para sa lakas na walang-wala na. Pinipigil natin ang mga luha na gustong-gusto lumabas na sa ating mga mata. Sumisikip ang silid at nahihirapan tayong huminga, parang huminto ang pag-andar ng ating baga.
Ngayon, sa tuwing nakikita natin siya, ang pakiramdam ay parang may isang tao na tinatapakan ang mga sirang piraso ng ating puso nang paulit-ulit at sinasaksak muli ang mga piraso sa pader ng puso natin. Ang kasiyahan na palaging nadarama noong nakaraan ay nagbago at naging mga sakit na winawasak ang ating katawan nang walang paghinto. Kapag nakikita siya, parang linunok natin ang kutsilyo na tumatagos sa ating kalooban at kahit ano pa ang gagawin natin para punuin ang butas, hindi mawawala ang butas—iniiwan lang tayo walang laman at guwang.

Pinagsisisihan natin ang hindi pagkinig sa mga babala ng ibang tao at ngayon, masakit na pinagdudusa natin ang mga kahihinatnan. Natatanto natin na ang pag-ibig ay nakakatakot at nakakasugat ng damdamin. Iniiwanan tayo ng pag-ibig ng mga sugat kahit ang lipas ng panahon ay mahihirapan na pagagalingin. Ngayon, wala tayong magagawa kung hindi maging masaya kahit na hindi tayo ang nagpapasaya sa kanya at ang pinakamasakit ay ang pagtanto na sa lahat ng oras na ito, meron siyang kakayahang magmahal ng tunay at lubos, ngunit hindi lang niya kayang mahalin tayo kailanman.
Talasanggunian:
“Happy Dance GIF – Find & Share on GIPHY.” GIPHY. March 25, 2013. Accessed October 07, 2018. https://giphy.com/gifs/dance-cartoon-EbaEWv3icphQI.
GIPHY Studios Originals. “Sad Broken Heart GIF by GIPHY Studios Originals – Find & Share on GIPHY.” GIPHY. November 18, 2016. Accessed October 07, 2017. https://giphy.com/gifs/l0MYIcNlJEcsAd82c.
“Sad Cry GIF – Find & Share on GIPHY.” GIPHY. January 20, 2018. Accessed October 07, 2018. https://giphy.com/gifs/house-boyfriends-qQdL532ZANbjy/links.
2. Puntong Aamin na kay Crush
Sa Katotohanan
ni Ayrrton Tan
Paminsan-minsan, ang mukhang isang karaniwan at mainip na araw ay may kakayahan gulatin ka; kapag biglang lumitaw siya sa iyong buhay, at naiiwan kang nagtataka kung paano ka nakapunta sa langit at saan nanggaling ang anghel na ito. Ito ang simula ng tinatawag natin “crush”. Habang lumilipas ang oras, maaari mong siyang makilala, at maaari rin maging magkaibigan kayo; subalit hindi ito ang layunin, ito ay prequel lamang sa susunod na pelikula. Tuwing nakikita mo crush nakukuha ka ng pagsabog ng positibong damdamin, at nagiging puno ng butterflies ang tiyan mo. May dadating na oras, na gusto mong aminin ang damdamin mo kay crush. Ihahanda mo ang lahat, simula sa perpektong lugar hanggang sa perpektong pagkakataon, subalit ang isang bagay na hindi mo kayang ihanda ay ang mga pakiramdam at damdamin mo. Ang bawat tao ay pamilyar sa lahat ng pakiramdam at damdamin natin tuwing nakikita nating o kasama natin si crush, ngunit ang karamihan ay hindi pamilyar at nagtataka tungkol sa mga damdamin natin kapag aamin na tayo sa kanila. Kaya nagtataka tayo kung “ano ang nararamdaman sa puntong aamin na kay crush?.”

Palagi ito nagsisimula sa pagkatakot. Ang pagkatakot mo ay bumabalot sayo kagaya ng naranasan mo tuwing nanonood ka ng “horror”dyanra na pelikula, maliban na maituturing mas nakakatakot ito dahil totoo ang nangyayari at ikaw ang bida ng pelikula. Iniisip nating ang mga gamit kagaya ng “paano na kung hindi niya ako gusto?,” “paano na kung may gusto siyang iba?,” o “paano na kung para sa kanya kaibigan lang ako?”. Itong takot sa pagtanggi ay kapareho sa takot na madalas napipigilan sa pag-amin natin kay crush. Iyon ang dahilan kung bakit itinuturing namin ang aming crush ay tulad ng rosas, tinitingnan ang kagandahan mula sa isang distansya, ngunit natatakot tayo na lapitan at kunin ito. Natatakot tayo sa tinik ng rosas na umiiral na tilang sila ay nandoon upang hindi maging sa atin ang rosas, dahil ang rosas ay marahil para sa ibang tao. Higit pa sa takot sa pagtanggi, natatakot tayo na masaktan. Tuwing aamin tayo maaari tayong masugatan, ito ay katulad ng naglalaro ng jenga maliban na nasasangkot ang ating damdamin, at ang paggawa ng isang paglipat ay maaaring maging sanhi sa pagbagsak ng lahat ng bagay. Kaya nga tinawag crush dahil sa wakas maaring maging “crushed” o mawasak ang puso. Ang ating katapangan lamang ang lumalaban sa ating pagkatakot sa pagtanggi at sa masakatan.

Ang ating pagkatakot sa pagtanggi at sa masakatan, kadalasan ay nagiging pagkabalisa. Ang ating pagkabalisa ay ang sanhi sa ating mabilis na tibok ng puso, kagaya ng tibok ng puso tuwing nageehersisyo tayo. Ang pagkakaiba lamang ay higit pa na mabilis ang tibok ng puso. Nararamdaman mong ang iyong tibok ng puso sa labas ng iyong dibdib, at ang bawat tibok ng puso ay tumtitibok sa buong katawan mo. Ang palpitations ng puso mo nababaliw. Ang adrenaline ay dumadaloy sa buong katawan mo na tulad ng kapag nasa isang aksyon pelikula ka. Ang katawan ay nagsisimula magpawis dahil sa ating balisa. Mararamdaman mo ang iyong mga palad na malagkit na mula sa pawis. Ang aming lalamunan ay nagiging tuyo, habang nagsasanay tayo sa mga salita na sasabihin sa pag-amin. Ang tuhod ay nagsisimulang yanigin. Hindi na kaya natin manatili sa isang lugar, ang katawan nating ay gustong kumilos na parang nais na tumakas at kalimutan ang lahat. Tanging ang katapangan lamang ay nagpapanatili sa atin.

Kapag sa tingin mo na hindi na kaya maging mas masahol pa ang mga damdamin mo, sa wakas ay dumating na si crush.

Nagiging mabagal ang panahon habang lumalakad siya papunta sa iyo, katulad sa mga romance na pelikula. Lahat ng bagay mula sa iyong takot hangang sa tibok ng puso ay sumasabog na. Ito ang rurok ng kakulangan sa ginhawa. Kapag nakita mo na siya, nagiging malabo na ang lahat ng bagay. Siya na ang iyong buong mundo sa sandaling ito, kahit man hindi ka mundo niya. Ang lahat ng naramdaman mo bago dumating siya ay sinubukan mong iwaksi, ngunit hindi nawawala. Ang lahat ng damdamin nadama mo ay lumakas hanggang sa panahon na lumabas ang mga salita mula sa iyong bibig. Ipagtanggol mo ang dalawang posibleng resulta, pagtanggap o pagtanggi. Umaasa ka kahit walang ka ng pag-asa na sana pagtanggap ito, ngunit hindi ito isang romance na pelikula at hindi palaging “happily ever after”. Napagtanto mo na kahit gaano man gusto mo ang isang bagay na mangyayari, wala kang magawa dahil hindi ikaw ang pipili. Siya ang pipili.

Talasanggunian:
“Experience Gif” GIPHY. October 18, 2015. Accessed October 07, 2018.
https://giphy.com/gifs/experience-jenga-PlnQNcQ4RYOhG jingle-all-the-way-ALa9boEXPpBL2
“Mission Impossible News GIF”. GIPHY. July 29, 2015. Accessed October 07, 2018.
https://giphy.com/gifs/news-tom-cruise-article-TwHb0h15HoZkA/media
“Scared Get Out Gif by Get Out Movie” GIPHY. January 27, 2017 Accessed October 07, 2018. https://giphy.com/gifs/26gsv1iextbg5Gm5O
“Sing Ryan Gosling by La La Land”. GIPHY. November 19, 2016. Accessed October 07, 2018. https://giphy.com/gifs/lalaland-l3vRmDNlQFEM6OBpe
3. Panahong Sasagutin na ni Crush
ANUNA?!
ni Nathan Kawpeng
Isang malabong digmaan ang pakikipag-ugnayan kay crush. Mahal na mahal ko siya, pero gusto ba niya ako ng kapantay. Napakaiksi na ang mitsa ng bomba sa loob ng puso mo at kailangan ng pumutook. Ito na ang panahon na ilalatag mo lahat at, parang sa basketbol titirahan mo ang inyong tira. “Sa totoo lang, mahal na mahal ko kita, sa aking paningin, more than friends tayo.” Ayiee!!! Nakakilig pag-isipan, pero sa totoo lang, sumisigaw ang inyong puso at utak, “ANONG GINAGAWA MO?!”. Kasindelikado ang mga salita na lumabas sa bibig mo sa pag, “all in,” ng isang milyong piso sa Resorts World. Mintis o pasok man ang tira mo, sinubukan mo ipakilala ang inyong pag-ibig mo, at bahala na si crush na magdesisyon tungkol diyan. Tug tug, tug tug, tug tug, bumibilis ang takbo ng inyong puso. Anuna bes?

Nang binuksan mo ang bibig mo at inamin mo kay crush ang pag-ibig ang bilis ng tibok ng inyong puso. Sa panahon hanggang sagutin ka ni crush ramdam mo may ginawa kang mali at nananalangin ka sa Panginoon na walang nakikita o hindi ka huhulihin ng mga awtoridad. Tinatanong mo sa sarili mo: Tama ba ang ginawa ko? Masisira ba ang pagiging kaibigan namin ni crush? Nagiging EDSA ang daloy ng isipan mo, punong puno ng mga saloobin at posibleng implikasyon na hindi ka makakisip ng mabuti. Habang inaabangan mo ang sagot ni crush, araw’t gabi parang kang zombie. Walang wala ka sa isip, kundi lamang ang isip kung “oo” o “hindi” ang sagot ni crush sa’yo. Pagdating sa panahon na sasagutin ka na ni crush, iba na ang pakiramdam. Uuna muna ang Facebook Message ni crush sayo na, “usap tayo.” Tumayo ang balahibo sa likod leeg mo. Unang pumasok sa isip mo, na, “eto na, dumating na ang panahon. Pumasok ba ang tira ko?” Pero kaso lang, di mo alam kung ano ang sasagutin niya, maaaring oo o hindi. Kaya ang bilis na ulit ang takbo ng inyong utak, parang noong pumasok ang Millenium Falcon sa light speed, ang bilis bilis ng galaw ng mga ilaw na halos hindi mo alam kung ano ba talaga ang nasa isip mo. Sobrang nawawala sa isip na nagsimula ang habagat kamay mo na hindi mo alam. Pasmadong pasmado na may patak na ng pawis na ang cellphone o keyboard mo nang nakita mo ang message ni crush. Sumasakit na ang ulo mo sa pag-iisip ng sasagutin niya na napuputla ka na sa pagkabalisa. Patuloy tuloy ito at maslalong gumagrabe habang tumatagal ang hintay ng sagot niya. Parang isang niyebeng binilo, habang gumugulong sa niyebe lumalaki at bumibilis ng husto. Kung nag-aaral kayo sa isang paaralan nanatili pa rin sa light speed ang utak mo tuwing nakikita mo siya na dumadaan o naglalakad kung saan. Kung hindi ka pinapansin, biglang tumatalas ang inyong imahinasyon at nagiging Millenium Falcon nanaman ito. Baka sadya na hindi ka pinapansin dahil ‘no’ ang sagot niya sayo? Baka hindi ka lang nakikita? Baka pabebe lang siya? Baka… Baka… Baka … Tuloy tuloy lang ang imahinasyon hanggang sa may espada nanaman na tumutusok sa utak mo. Bukod dito, hindi makakalimutan ang takot na nararamdaman mula rito. Sa paghintay mo ng sagot mula kay crush, para sayo, buhay or kamatayan ang dulot ng kanyang sasabihin. Mataas ang pustahan ang labanan na ito, maaaring kasiyahan dahil buhay pa ang tunay na pag-ibig, at maaari din mawawasak ang puso mo sa milyong milyong mga kaputol sa dadaan na MRT na sagasaan nito.

Dumating na ang oras na kausapan mo dapat si crush tungkol sa pag-amin mo sa kanya. Hindi sigurado ang inyong pag-iisip, kaya mabilis mga hakbang pero hindi matatag. Parang gusto mong tumakas pero hindi papayagan ng inyong dignidad at pagkamausisia. Bawat hakbang bumbilis din tutog ng inyong puso na hanggang sa punto na baka sumabog ito. Pero keri lang, “keep your composure,” ang sinasabi ng lahat ng beterano kung malakas ang pustahan. Nakarating ka na sa inyong pinagusapang lugar na magkita, pero wala pa siya. Umaandar nanaman ang inyong Millenium Falcon, napakabilis ang mga isip sa utak mo. Bakit wala pa siya, i-ghost ba niya ako dito? Baka ‘no’ nga talaga ang kanyang sagot sa akin at ayaw lang niya sabihin sa harapan ko? Mali ba ang oras sa cellphone ko? Imbis na machine gun ang dumadating na isip sa imahinasyon mo, ngayon ay parang shotgun na, sabay sabay na sila tumitira sa inyong utak. Pumapawis na ang palad mo, hindi mo alam kung anong gagawin mo. Takot na takot ka din sa kung anong mangyari, pumapawis na ang inyong katawan. Minsan pa nga sa sobrang takot pumapawis na din ang pwet mo! Ganyan katindi ang takot na nararamdaman ng inyong puso na ayaw itong masira. Kinikilig ka din, dahil sa lahat ng maling dahilan! Nangingilig ka sa takot, parang maraming yelong karayom na tumutusok sa lahat ng bahagi ng katawan mo. Bawat tusok nagsasabi, “hindi ka rin minamahal,” ang sakit talaga hindi malaman anong mangyari. Pero ayan na, nakita mo na siyang lumalapit sa’yo. Bawat hakbang, parang naglalakad siya sa slow motion, lumalakas ang tutug ng puso mo. Nagri-ring ang inyong mga tenga dahil sa stress at ngayon pumapawis na ang inyong mismong pawis sa takot! Ngayon, siguro meron ngayon meron kang tatlong segundo na pagkakataon upang tumakas, pero dito ka na at wala ng daga sa puso. Habang lumalapit siya hindi natutugunan ang inyong mata, parang nahihiya pa siya sa kanyang sasabihin at natatakot ka rin sa katotohanan ng sasabihin niya sa’yo, mahusay o malungkot man ito. Bago mo naunawaan nasa harapan mo na siya, hindi pa rin umiimik, hindi kumikibo. Ngayon, nawala na sa isip mo ang takot, nakarating bigla ang alon ng buong loob mo dahil sa adrenaline na kumukurso sa iyong dugo. Tinaas niya ang kanyang ulo at binuksan niya ang bibig niya. Ito na. Ilang araw at linggo ng pagwawala sa sarili, araw’t linggo ng istress at pagkabalisa. Ilang araw’t linggo ng nagpapasweet at nagpapakilala sa kanya. Lahat ito magwawakas dito, ilang mga salita lamang ang magsisira o magbubuo ng inyong buhay. Sa pagod at sindak ng utak mo, dumidilim ang paningin at pangrinig hangang sa, “Uhm hey, I…”

SoulPancake. “Omg Scared GIF by SoulPancake – Find & Share on GIPHY.” GIPHY. March 22, 2018. Accessed October 07, 2018. https://giphy.com/gifs/soulpancake-omg-scared-3oFzlYOX73PQloxPk4.
“Terrified Archives.” Reaction GIFs. Accessed October 07, 2018. http://www.reactiongifs.com/tag/terrified/.
-
Panahong Positibong Tutugunan ni Crush
Ligayang Kiligan
ni Amos Tiu
Pagkatapos umamin kay crush, at sinabi niyang “Uhm hey, I do also like you. I also have a crush on you,” siguradong nahulog at natanggal na ang kaba mula sa dibdib at magaan ang pakiramdam parang isang lobong lumilipad. Nararamdaman nating lumulutang na tayo papuntang langit o kaya nakapasok na tayo sa ating fairytale land puno ng makukulay na gamit. Sa sobrang tuwa, hindi na tayo nakakapagbukas ng bibig, ngunit pangiti-ngiti na lang sa harap ni crush habang nakatitig sa kanyang mga kumikinang na mata. Bumibilis ang tibok ng puso, at namumula at nagkukulay-rosas na rin ang mga pisngi sabay pagiwang-giwang ng katawan na nagpapakita ng pabebeng hitsura para lamang masabihan tayo ni crush ng cute.

Dahil alam na natin na pareho ang nararamdaman ni crush, naging kampante na tayo at simulang nagpapakita tayo ng malagkit na tingin para lalong mahulog ang puso ni crush sa atin. Sinusubakan nating matunaw ang kanyang puso sa atin. Kung hindi pa tayo gaanong magkakilala kay crush, sinisimulan natin siyang tanungin ng “Can we talk more often so that we would be able to get to know each other more?” At kapag sinabi niya “Yes,” kinikilig nanaman tayo ng husto at nararamdaman ulit na parang nasa fairy tale. Kung matagal na naman nating kakilala si crush, masmalakas ang loob natin at sabihing “Pwede ba kitang ligawan?” Kung nag “Oo” si crush, siguradong nanlalambot na ang ating katawan na para bang mahimatay sa tuwa. Simula rito, nagkakaroon na tayo ng masmabuting relasyon kay crush. Napapaniginpan na natin na magkaakbay o magkahawak ng kamay kay crush habang naglalakad sa tabing-dagat.

Kasiyahan at kaligayahan ang mga karaniwang mararamdaman natin tuwing positibong tugunan ni crush dahil nakamit natin ang ating gusto.
-
Panahong Tututulan ni Crush
Pusong Wasak
ni Amos Tiu
Pagkatapos umamin kay crush, at sinabi niyang “Uhm hey, I am sorry, but I don’t feel the same way” o kaya “Uhm hey, I also like you but just as a brother and friend,” siguradong basag ang ating puso na parang milyon-milyong bala ang tumagos sa ating dibdib.

Mula sa pakiramdam na lumilipad sa langit tuwing nakikita ang maliwanag na ngiti, kulay-rosas na pisngi, at kumikinang na mata ni crush, bigla tayong nahuhulog papunta sa lupa nang marinig ang kanyang matamis na boses na nagpahayag ng mapapait sa salita. Tatlong damdamin ang karaniwang nararamdaman natin sa ganitong sitwasyon – galit, lungkot, at takot.

Nakakaramdam tayo ng galit kung naramdaman nating niloloko lamang natin ang ating sarili at sinasayang ang ating oras dahil ayaw sa atin ni crush kahit si crush lamang ang kaisa-isang pinili nating mahalin kahit marami tayong maaaring pagpilian. Sa panahong sinabi ni crush na ayaw niya sa atin, nagpapakita na tayo ng maasim at nakasimangot na mukha. Nakasarado ng mahigpit ang mga kamay at nanginginig dahil gigil na gigil sa nangyari. Bumibilis din ang tibok ng puso, at iinit ang ulo. Pumapatak ang kumukulong pawis. Pagkatapos, kung galit na galit talaga tayo, umiiba pa ang tingin natin kay crush, at sinisigawan siya ng mapapait na salita at sabihing “Ayaw ko sayo! Ang pangit ng ugali mo!” at bigla na lang maglalakad ng mabilis paalis kay crush.

Nakakaramdam din tayo ng lungkot o kabiguan kung naramdaman nating ginawa na natin ang lahat, ngunit hindi pa rin tayo gusto ni crush. Nanlalambot at nanghihina ang ating katawan. Nararamdaman na wala ng pag-asa dahil sira na ang ating mundo. Parang tayo nagiging patay, at nakahiga lang sa kama buong araw. Makikitang malungkot ang mukha at nakayuko lang ang ulo. Lumalabas pa ang luha at namamaga at namumula ang mga mata kung sobrang nalulungkot. Nagiging tahimik lang tayo at nakasara ang bibig dahil ayaw makipag-usap sa kahit sinong tao.

Nakakaramdam din tayo ng takot kung pakiramdam nating sira na ang pagkakaibigan natin kay crush dahil sa ating pag-amin. Lumalamig, naninigas at hindi na nakakagalaw ang katawan na parang taglamig na ang panahon. Nanginginig naman ang mga kamay at tuhod dahil sa kaba at takot. Lumalaki ang mga mata, bumibilis ang tibok ng puso, at bumibilis ang paghinga. Hindi rin tayo tuwirang nakakatingin sa mata ni crush dahil sa hiya. Kapag takot ang nararamdaman natin, malaki rin ang pagkakataon na hindi na natin kausapin si crush, at hindi na natin siyang kausapin habang buhay dahil takot na sira na ang pagkakaibigan.

Marami pang reaksyon ang maaaring magdulot kung tinutulan ni crush. May iba sa atin na blangko lamang ang mukha dahil walang pakialam kung gusto ba siya o hindi ni crush. Ngunit, galit, lungkot at takot ang karaniwang nararamdaman kapag tinanggihan ni crush.